Last Tuesday Night: Drink Responsibly

Posted: April 4, 2012 in Personal
I’d prefer to write this blog in taglish so that I could clearly tell you and fully express my thoughts and feelings about what happened last night. So here goes…
April 3, 2012, Tuesday, graduation practice namin. Buong klase nasa school para umattend since required at kukunin yung graduation picture. Aside dun sa mga naunang nabanggit, magbabayad ako ng para sa grad fee at Vicissitude. After grad practice, nagkayayaan ang barkada (Kei, Dano, Ray, Kath) na kumain muna sa labas. Since naabutan narin naman ako ng lunch break, tapos babalik din naman sa loob ng school si Ray para kunin ung toga, nag-lunch na nga muna kami.
Lunch sa Rosa, as usual. Kwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay. Bago umuwi si Kath, nagyaya si Ray na uminom muna. Eh kaso uuwi na talaga si Kath kaya ang nangyari na lang, si Kei, Dano, Ray at ako na lang. Wala talaga sa plano ang uminom. Pero sabi nga nila, kapag biglaan, mas natutuloy. 
Sabi nila Kei, hihintayin na lang nila kami ni Ray sa rotonda habang nagbabayad at kinukuha namin yung toga. Para mas mapabilis yung storya, nung dumating na kami sa rotonda, di pa kami uminom agad. Tumambay at kwentuhan pa kami kasi sobrang init pa nga. Tsaka ang aga pa para uminom. Nung banda 4pm na, yun na nga. Natuloy na.
Plano namin sa Cozy house, eh sarado. Sa Dyniel’s na lang kami. Red Horse inorder nila samantalang ako T-Ice naman. Di ko kasi talaga trip red horse eh! Edi ayon, kwentuhan na naman. Nonstop kwentuhan talaga, pero sobrang ang saya. Di talaga nauubusan. Kung gaano kabilis at dami ng pinagkwekwentuhan namin, ganun din kabilis at dami ang nakain naming pulutan. HAHA.
Isang t-ice lang naubos ko. Pano, sumakit sikmura ko. Sabi ko awat muna, pero wala pa kong tama non. Ayun, nag-videoke narin kami. Sobrang enjoy lang din. Lahat kami talaga kumanta. Tas napilit nila ko mag-red horse. Di ko narin kasi kayang mag T-ice nga. 
Tuloy kain, inom at kanta. Napapansin ko na nung pahapon na, parang ang bigat na ng ulo ko. Tingin ko tinatamaan na ko nun kahit di pa ganun kadami yung nainom ko. Partida naman kasi, sakin din tutok yung electric fan. Eh diba nga sabi nila, mabilis tamaan ang nahahanginan? Ayun, nahanginan din yung ulo ko. Dang bigat kamo. Pero sige lang, inom lang. Masaya eh. 
Medyo gabi na. Nahihilo na talaga ko. Pero sige parin ako ng sige. Dire-diretso narin akong umiinom ng redhorse nun. Bottoms up pero wapakels. Maya’t maya ko naman iniihi pero pabigat ng pabigat parin yung ulo ko. At that time, pati katawan ko mabigat na. May amats na talaga. Natatandaan ko, ginagawa kong ng mic yung bote ng t-ice ko. Tas parang madaldal na ko. Ganun.
Nung gabi na, halaaa. Sigeeee. Hindi ko na masyado maalala yung every detail ng nangyari basta ang alam ko lang maingay na ako at si Kei. Ewan ko rin, pero hindi ko makontrol yung sarili ko. Ang hirap. Kahit nasa utak ko na dapat maging okay ako, na dapat tumahimik ako. Pero hindi talaga. Sobrang hilong-hilo na ko. Di ko alam kung nakakatulog ba ko in between, kasi hindi ko na talaga maalala. Pero basta, ang bigat ng katawan ko. Groggy na. Naalala ko lang nun nung magbabayad na. Pero hindi ko alam kung nakapagbayad ako, kasi nakatago yung pera ko. 
Wala na talaga kong kontrol. Lugar na lang yung naalala ko. 7-11, countryside. Pero hindi ko na talaga maalala kung anong mga pinag-gagawa ko nun. Ni hindi ko na rin alam kung anong oras na yun. Siguro ganun din si Kei. Hindi ko alam kung anong mga pinagsasabi ko. As in wala akong maalala. Ang huli ko na lang na naaalala nun eh nasa jeep na ko papunta samin, kasama si Emer. Hindi ko na maalala kung pano kami nagkita ni Emer nun. Hindi ko alam kung pano ko nakapunta dun. Basta, blangko talaga lahat. 
Nakauwi na ko. Medyo nahimasmasan na ko nun kahit paano, kasi pinilit akong uminom ni Mer ng kape. Lagot na ko nito. Nadatnan kong gising pa sila Ate at Yanyan. Sinabi ko sa sarili kong hindi nila pwedeng mahalatang lasing ako. Pero tingin ko nahalata ni Ate. Kasi natandaan ko lang na sinabi niya kay Yanyan na ihatid na ko sa kwarto. 
Nagising ako ng 1am, hindi pa nakakapagpalit ng damit. Malamang bumagsak na ko sa kama. Nagising ako kasi ang sakit ng ulo ko. Parang umakyat yung alak sa ulo ko. Sabi ko itutulog ko na lang to. Pero hindi talaga ko makatulog kahit anong pilit ko. Sabi ko sa sarili ko, isusuka ko talaga to. Bumaba ako, nahihilo. Pinilit kong masuka, pero wala akong malabas. Feeling ko acid lang nalabas ko, amoy redhorse. Ewww. Ayun, bumalik ako sa taas, baka makatulog na. Pero sumama naman tiyan ko. Yung nilabas ko, amoy redhorse din! Lecheng redhorse yan! Haha. Pero di parin talaga ko makatulog. Pinilit kong pumikit, pero pakiramdam ko umiikot yung kama ko. Wala talaga ko magawa. Kahit anong posisyong gawin ko, hirap na hirap talaga ko. Ililigo ko sana, kaso natatakot ako. Baka bawal. Hindi talaga pwedeng di ako matulog kasi aalis ako ng umaga. Pero buti na lang mag-6am ako nakatulog. Nakabawi kahit pano.
Nagising na ko ng 9am, pero masakit parin ulo ko. Iniligo ko na lang lahat. Ayun, hanggang sa makaalis na ko. Pero sobrang wala kong gana kumain. Parang lahat ng ikakain ko, isusuka ko lang din. Sobrang sakit parin ng ulo ko. Grabe, tindi talaga ng tama sakin.
Too sum it all up, Oo, I’ve never been drunk before. So obviously, first time kong magkaganito. Actually, hindi ako naniniwala noon sa mga taong umaaktong out of control pag nakakainom. Iniisip ko, arte lang yun. Pero nung mangyari sakin, nawalan ako ng kontrol sa sarili ko at wala akong maalala, nasabi ko na lang, “OO, TOTOO NGA PALA YUN.” 
Umiinom ako pero alam ko kung kelan ako titigil. Alam ko kung kelan hindi ko na kaya. Pero hindi ko alam kung bakit ganun katindi. Bakit hindi ko napigilan. Sobrang nakakahiya. Pero lesson learned din. Buti na lang talaga matino yung mga kasama namin ni Kei, kung hindi, nako, ewan ko na kung saan kami pupulutin. 
Hindi na ko uulit talaga. Hindi na talaga. Nakakahiya sa mga makakasama ko. As in. Sobrang burden ang magalaga ng lasing. Bakit ko nasabi? Kasi naranasan ko. At sinasabi ko, sobrang mahirap. Nakakatakot na din. Baka kasi sa susunod na maulit to, di ko masabi, baka kung anong mangyari.
So yun nga, DRINK RESPONSIBLY. 
P.S.: Nabitin ako sa pahuli kong sinulat pero hindi ko na kasi alam isusulat ko. Naubos na sa kwento. But to the guys who helped us, took care of us when we are so drunk and vulnerable, Ray, Dano and Beb, Thank you. Hindi namin alam kung anong manyayari samin kung wala ako. And to my super duper cool, Barti Kei, thank you din. Buti ikaw yung kasama ko kasi kahit lasing na lasing na tayo, sobrang magkaalalay parin tayong dalawa. 
Kaya, April 3, 2012, I will never forget you for you gave me nothing to remember
xoxo,

Christine
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s